Init ng panahon sa Dagupan pumalo sa 51°C

Init ng panahon sa Dagupan pumalo sa 51°C

June 2, 2021 @ 10:06 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Pumalo mula 50°C hanggang 51°C ang heat index sa ilang lugar sa Luzon, batay sa ulat.

Pinakamataas ang naitala sa Dagupan City sa Pangasinan ng 51°C at magugunitang umabot ito sa 53°C noong Mayo 14.

Sa kabilang banda, nakapagtala naman ng 50°C ang Sangley Point sa Cavite at Aparri sa Cagayan province.

Umabot ito sa “danger” heat index classification ng PAGASA kung saan maaari itong magdulot ng stroke.

Samantala, 15 iba pang lugar ang umabot sa “danger” heat index level.

Sinabing nakapagtala sa Tuguegarao City sa Cagayan province at Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City ng 46°C heat index habang 45°C  sa Ambulong sa Batangas.

Gayundin ay 44°C ang naitala sa bayan ng Alabat sa Quezon province at Laoag City sa Ilocos Norte.

Umabot din sa 43°C ang Clark Airport sa Pampanga, Cubi Point sa Subic Bay sa Olongapo City, Iba sa Zambales, Itbayat sa Batanes, Legazpi City sa Albay, at PAGASA Science Garden sa Quezon City.

Iniulat ang 42°C heat index sa Casiguran sa Aurora province, Infanta sa Quezon, at Sinait sa Ilocos Sur habang 41°C naman sa Port Area sa Maynila. RNT/FGDC