Init sa Japan, tila sauna – Tokyo official

Init sa Japan, tila sauna – Tokyo official

July 24, 2018 @ 7:13 PM 5 years ago


Japan – Inihalintulad ni Tokyo governor Yuriko Koike ang Japan na tila pagtira sa sauna.

Umabot na kasi sa mahigit 65 ang patay sa heatwave sa Japan dahilan para tawagin na itong disaster ng weather agency ng kanilang bansa.

Bukod sa mataas na bilang ng mga namamatay, pumalo na rin sa 22,647 ang nagka-heatstroke ayon sa Fire and Disaster Management Agency said in a statement.

Kabilang sa mga namatay ay isang 6-anyos na bata na nawalan ng malay nang pauwi ito mula sa field trip.

“As a record heatwave continues to blanket the country, urgent measures are required to protect the lives of schoolchildren,” ayon sa tagapagsalita ng gobyerno na si Yoshihide Suga.

Napilitan ang gobyerno na maglabas ng pondo para sa mga aircon sa susunod na summer dahil mababa pa sa kalahati ng bilang ng mga public school sa kanilang bansa ang may aircon.

Dagdag pa ni Suga, posibleng mapahaba ang bakasyon ng mga estudyante kung magpapatuloy o tataas pa ang temperature.

Kahapon ay umabot na sa 41.1 Celsius (106 degrees Fahrenheit) ang heat record sa Kumagaya, Saitama habang 40 degrees naman ang sumusunog sa Tokyo.

Ipinangako naman ng Tokyo governor na kanilang bibigyan ng prayoridad ang problemang ito.

“It’s just as important because the purpose is also to protect people’s lives,” ayon kay Koike. (Remate News Team)