Initial security screening sa PH airports pinaaalis

Initial security screening sa PH airports pinaaalis

December 23, 2022 @ 3:27 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista ang pag-aalis ng initial security screening sa mga paliparan sa bansa.

Ito ay upang mapadali ang biyahe ng mga Filipino at dayuhan lalo na sa nalalapit na Kapaskuhan.

Matatandaan na kamakailan ay itinuturing na third most stressful na airport sa Asya ang Ninoy Aquino International Airport.

Isa sa itinuturong dahilan dito ay ang sobra-sobrang proseso ng security screening at mahabang pila.

“Following international practice, Secretary Bautista has directed the removal of initial security screening to improve the convenience of our airport users and process of going through our airports,” ani Department of Transport (DOTr) undersecretary Timothy John Batan sa panayam ng ANC.

Hindi na idinetalye pa ni Batan kung kailan nagsimula ang implementasyon nito ngunit magiging kapansin-pansin ito para sa mga palagiang bumibyahe o nagpupunta sa paliparan ng bansa.

“Before, you would have to go through a security screening, line up outside the airport before entering the terminals,” paliwanag niya. RNT/JGC