Injury, napinsalang bahay naitala sa M-6 Davao de Oro quake – OCD

Injury, napinsalang bahay naitala sa M-6 Davao de Oro quake – OCD

February 2, 2023 @ 11:20 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nakapag-ulat ng minor injuries at napinsalang mga tahanan kasunod ng pagtama ng magnitude 6 na lindol sa New Bataan in Davao de Oro nitong Miyerkules ng gabi, ayon sa Office of Civil Defense (OCD) nitong Huwebes.

“Only minor damage were reported as of reporting time, majority were residential houses,” pahayag ni OCD spokesperson Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.

“Several minor injuries were reported (exact numbers yet to be determined),” dagdag niya.

Samantala, maayos naman ang suplay ng kuryente at tubig, at komunikasyon sa mga apketadong lugar, base kay Alejandro.

Kasalukuyang nagsasagawa ang OCD regional offices at local disaster management offices are ng assessment, coordination, at monitoring, dagdag niya.

Nagpaalala naman si Alejandro sa publiko na isagawa ang “duck, cover, and hold” protocol tuwing may lindol upang maiwasan ang epekto at bilang ng casualties.

Iginiit din niya ang kahalagahan ng pagsunod sa National Building Code para mapigilan ang pinsala at pagkasawi.

Base sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang epicenter ng lindol na naganap nitong Miyerkules, alas-6:44 ng gabi, ay 12 kilometers N 29° E ng New Bataan.

Anito pa, naganap ang lindol sa bahagi ng Compostela sa Davao de Oro na may lalim na 28 kilometers. RNT/SA