Inmate na binaril ng pumugang preso pumanaw na – BuCor

Inmate na binaril ng pumugang preso pumanaw na – BuCor

January 19, 2022 @ 1:24 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Pumanaw na ang isang inmate na malapit na sanang matapos ang sintensya makaraang barilin ng pumugang preso sa New Bilibd Prison.

Sa kabuuang datos, may kabuuang apat na inmate ang tumakas na nakapanakit ng isang inmate at ilang jail guards.

Dinala ang biktima sa Ospital ng Muntinlupa para magamot.

“Nag-expire po kahapon. Initially napaospital pa natin. Kahapon nag-expire na po,” lahad ni BuCor spokesman Gabriel Chaclag sa Super Radyo dzBB.

Sinabi ni Chaclag na nabaril ang inmate dahil sa tumanggi itong buksan ang gate.

 “‘Yung isa pa nga po naging biktima sa pagtakas nila, binaril nila ‘yung isang preso na ayaw buksan ‘yung gate. Alam nilang kasamahan nilang preso ‘yun pero binaril pa rin nila,” dagdag pa nito.

“‘Yun ay malapit na sanang lalaya.”

Samantala, sinabi ni Chaclag na maayos na ang kondisyon ng dalawa pang personnel habang ang dalawa ay patuloy pang inoobserbahan.

“Dalawa na po ‘yung na discharge. Under observation pa rin ‘yung dalawa. And during recovery operations ay nabaril din po ‘yung kasamahan natin sa tiyan pero stable na rin po siya, out of danger na rin po.” RNT/FGDC