Inmate ng Manila City Jail, tigok

Inmate ng Manila City Jail, tigok

July 9, 2018 @ 3:44 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Sinasabing nagkaroon ng “Necrotizing Fascitiis” o Carbunulosis ang resulta ng pagkaka-confine ng isang 39-anyos na inmate ng Manila City Jail (MCJ), pero isasailalim pa rin ito sa awtopsiya , matapos masawi nang isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center, iniulat ng pulisya.

Nakilala ang biktimang si Gerry Baluran Y Mutyia, ng 2446 Arellano St., Singalong Manila , nang madiskubre ng bandang 11:15 ng hatinggabi nitong linggo , habang naka confined sa Infirmary Clinic sa MCJ sa Quezon Boulevard sa Sta.Cruz.

Batay sa ulat na isinumite ni Det. Charles John Duran, kay P/Sr.Insp.Rommel Anicete hepe ng Manila Police District –Homicide Section , bandang 12:01 ng madaling araw, nang isugod sa naturang ospital si Baluran, subalit idineklara na itong dead on arrival dahil sa umano’y sakit na dumapo dito.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nakulong si Baluran, dahil sa kasong P.D. 1602 , at R.A 9165 o kasong may kinalaman sa shabu,  ng Section 11,at inilipat ito sa MCJ nitong July 5, hanggang sa dapuan ito ng sakit at dalhin sa Ospital ng Maynila.

Dahil dito, matapos madala sa ospital, sinumpong na ito sa paninikip ng kanyang paghinga, hanggang sa isugod ito sa Infirmary ng piitan at kalaunan ay isinugod na ito sa JRMMH, na siyang idineklarang dead on arrival. (Rene Crisostomo)