#InMyFeelings challenge, labag sa batas!

#InMyFeelings challenge, labag sa batas!

July 26, 2018 @ 12:19 PM 5 years ago


 

 

Manila, Philippines – Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa sumisikat ngayong #InMyFeelings challenge.

Nag-trending kamakailan ang #InMyFeelings challenge kung saan lumalabas sa umaandar na kotse ang mga indibidwal upang sumayaw sa kantang “In My Feelings” ng rapper na si Drake.

Babala naman ng pinuno ng MMDA Special Operations Group na si Bong Nebrija, labag sa Republic Act 10913 o Anti-Distracted Driving Act ang pagsagawa ng #InMyFeelings challenge.

Sa mga video na kumakalat sa social media, nakikita ang mga indibidwal na nasasagasaan, nahuhulog, o naaksidente sa kanilang sasakyan habang ginagawa ang challenge.

May karampatang multa na P5,000 ang mahuhuling nagsasagawa nito.

Payo naman ng mga awtoridad, marapat na unahin ang kaligtasan bago ang mga likes at shares sa social media. (Remate News Team)