“Innabuyog’’ sa Kalinga, opisyal arestado sa granada

“Innabuyog’’ sa Kalinga, opisyal arestado sa granada

October 29, 2020 @ 12:42 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Kalinga, Province – Isang mataas na opisyal ng “Innabuyog” isang grupo ng kababaihan ang inaresto matapos na masamsaman ang mga granada ng silbihan ito ng search warrant sa Barangay Western Uma, Lubwagan, Kalinga.

Kinilala ni P/Col. Davy Vicentes Limmong, PNP Director ng Kalinga ang naaresto na si Beatrice Bilin na umano’y vice chairman ng grupong “Innabuyog” ng nasabing lugar at isa siya sa labing tatlong indibidwal na kinabibilangan ng matataas na opisyal na sinilbihan ng search warrant subalit si Bilin lamang ang nahulihan ng nasabing mga granada.

Ayon kay P/Col. Limmong, isang impormasyon umano ang kanilang natanggap mula sa isang concern citizen na nag-iingat ng mga granada ang isa sa opisyal ng nasabing grupo kung kaya’t nang halughugin ng mga otoridad ang bahay ng suspek ay nakuha nila ang tatlong malalakas na pampasabog rifle grenades.

Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya ng PNP Kalinga si Bilin at nahaharap sa kasong paglabag sa RA-9516 o illegal possession of explosive ang suspek.

Samantala, nakaalerto ngayon ang PNP Kalinga sa pagbabantay sa mga semeteryo upang matiyak na masusunod ang mga panuntunan kontra COVID-19.

Sinabi ni Limmong na naka-deploy na ang kanilang mga tauhan at mahigpit na hindi papayagan ang pagbisita sa mga puntod mula ngayong araw, Oktubre 29 hanggang Nobyembre 4. Jun C. Fuentes


  •  
  •  
  •  

Loading...