Inobasyon isusulong ng nicotine industry players

Inobasyon isusulong ng nicotine industry players

February 17, 2023 @ 4:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – NAGKASUNDO ang nicotine industry players na isulong ang innovation o pagbabago at bagong teknolohiya para bigyan ang mga consumer ng “better at less harmful alternatives” sa nakasinding sigarilyo.

Pinagtibay ng scientific evidence na ang nakasindi o nasusunog na tobacco ang nagpo-produce ng libo-libong “disease-and death-causing chemicals” sa usok at hindi ang nicotine o nikotina.

Pinanindigan naman ng mga kagalang-galang na health institution mula sa United Kingdom, Estados Unidos, Canada, Germany, Netherlands, Ukraine, Japan, China at New Zealand, sa nakalipas na taon na ang smoke-free alternatives gaya ng vapes at HTPs ay “less harmful” kaysa sa nakasinding sigarilyo.

“To get people to embrace harm reduction, you really have to present them with a product that is better than cigarettes,” ang pahayag ni Mark Kehaya, chairman ng vaping products manufacturer AMV Holdings LLC, sa panel discussion sa isinagawang Global Tobacco & Nicotine Forum sa Washington D.C. kamakailan.

“When we hear there are still 30 million people still smoking in the United States, clearly as an industry, we still have ways to go from a product standpoint, from innovation standpoint,” ayon kay Kehaya, tumayong moderator ng Innovating for Tomorrow Panel.

Ayon kay Kehaya, dating chairman ng GTNF, ang mga player sa nicotine industry ay nagpahayag ng kanilang pananaw ukol sa pag-improve sa “nicotine delivery, taste at flavor” at maging sa kung ano ang mararamdaman ng mga consumer sa kanilang sarili kapag ginamit ang mga produktong ito.

Sa Pilipinas, ang PMFTC Inc., local affiliate ng Philip Morris international, ipinakilala ang kanilang smoke-free alternatives IQOS at ang “more affordable” BONDS ng IQOS.

Ang devices na ito ay partikular na ginagamit na may specially designed tobacco sticks na tinatawag na HEETS at BLENDS, ayon sa pagkakabanggit. Ang mga heated tobacco products ay hindi sinusunog ang tobacco at nagpo-produce ng usok, kundi ito’ nakalilikha ng smoke-free aerosol.

Ang mga nagpartisipa sa GTNF, leading annual forum sa buong mundo kung saan pinag-usapan ang hinaharap ng tobacco at nicotine industries, ay sumang-ayon na ang “nicotine industry is innovating at a great pace, whether through scientific research, new product development or helping create a more sustainable world.”

Nakiisa naman ang mga industry leader, regulatory experts at “imagineers” na nagsusulong ng pagbabago sa tobacco at nicotine sectors sa talakayan na naglalayong makapaghatid ng “unique breadth” at malalim na perspektibo o pananaw.

Para naman kay George Cassels-Smith, CEO ng Tobacco Technology Inc., ang susi ay ang patuloy na pagbabago at gawin ang demand ng mga consumer sa mas mahusay na regulasyon mula sa mga awtoridad.

Sinabi naman ni Lisa Smith, managing director ng Btomorrow Ventures, na ang transpormasyon ng industriya ay nangangailangan ng pagbabago.

Tinuran naman ni Dr. Ming Deng ng Yunnan University sa China na nagsagawa ng malawak na pag-aaral ukol sa next-generation products, na mayroong large market opportunities para sa innovative products.

Sinan-ayunan naman ni William Yu ng ICCPP Group na ang “innovation shifts the future”.
Gayunman sinabi naman ni Dr. Deng, na dapat na makahabol o makasabay ang regulasyon sa fast-evolving technologies. “I believe that regulation and innovation go together like a horse and carriage. You cannot separate one from another,” anito.

Sinabi naman ni Meisen Liu, research at development director ng Shenzhen Zinwi Bio-Tech Co. Ltd., na ang kompanya ay nakatuon sa pinakabagong trend hinggil sa e-liquids development gaya ng “lower-temperature atomization, next-generation nicotine salts at enhanced compatibility of e-liquids and devices.”

Ayon naman kay Zhiqiang Shi, chief scientist ng Shenzhen SMOORE Technology Ltd., na ang kompanya ay nag-invest ng 6% ng kinita nito sa research at development para i- develop ng mas mahusay ang mga produkto.

Ang tingin naman ni Kevin Peng, isang advanced technology scientist sa ALD Group, papalitan ng e-cigarettes ang tobacco sa loob ng lima hanggang 10 taon. Kris Jose