Inobasyon sa pagtuturo isusulong ni Duterte

Inobasyon sa pagtuturo isusulong ni Duterte

September 14, 2022 @ 6:12 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Target ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na magpatupad ng inobasyon sa pagtuturo sa katwirang hindi dapat limitahan sa silid paaralan ang pagkatuto ng mga estudyante.

Sa pagharap ni Duterte sa budget briefing sinabi nito na palagiang nakatuon ang pamahalaan sa isyu ng class room shortage na taon taon ay hindi natutugunan sa kawalan ng pondo ngunit titignan ay mas maraming matutunan ang mga estudyante sa labas ng classroom.

“Sa tatlong buwan ko sa loob ng DEped meron po akong dalawang napansin na ginagawa ng ating bansa. Unang una, nakakahon po tayo doon sa idea na lahat po ng learning ay nangyayari sa loob ng classrooms. Kaya po tayo laging nakatutok sa classroom shortage. Hianahabol natin ng hinahabol, ang classroom shortage at alam naman natin na every year din hindi nabibigay ang ideal na budget para sa classrooms. Dapat po we have to be innovative”pahayag ni Duterte.

“Dahil po alam naman natin na hindi na natin masolve ang class room shortage tinitignan po natin ang iba’t ibang paraan na puwede nating gawin that learning continues for our learners outside of the classroom. Ang ating pong motto is that “not all learnings happened inside the classroom”. Lahat po tayo ay maraming natutunan hind sa loob ng classroom at hindi sa ating mga teachers but sa ating life experiences as well.” dagdag pa nito.

Samatala inihayag ni Duterte na natapos na nila ang rebyu sa
K to 12 program at kanila na itong naiprisinta sa Management Committee at Executive Committee at sunud na nilang itong iprisinta sa private sector.

Sunud namang irerebyu ng DEped ang Grade 11 at 12 curriculum at aminado si Duterte na kanilang tinitignan ang pagpapatupad ng bagong curriculum.

“It will go through presentations so that comments and suggestion from all the sectors can be collated by the DepEd and we come up with the new curriculum for the K to 12 program”paliwanag ni Duterte.

Sa resulta ng mga diskusyon ay aabutin pa umano ng 2 hanggang 3 taon bago maipatupad ang bagong curriculum subalit sinabi ni Duterte na nais nya sanang maisagawa ito sa loob ng 1 taon. Gail Mendoza