Inoue kumuha ng Pinoy na sparmates

Inoue kumuha ng Pinoy na sparmates

May 5, 2022 @ 12:51 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dalawang Pinoy boxer ang kinuha ni Undefeated Japanese world champion Naoya “Monster” Inoue upang maging sparmate bilang paghahanda sa nalalalapit na laban nila ni Filipino Flash Nonito Donaire Jr sa Hunyo 7 sa Japan.

Kinuha ni Inoue bilang sparmates sina Kevin Jake “KJ” Cataraja ng Cebu at ang bagong Oriental Pacific Boxing Federation (OPBF) super bantamweight champion Pete “Thunder” Apolinar.

Itinuturing ng Japanese fighter na pinakamalaking laban niya ang rematch kay Donaire kaya todo ang paghahandang iginugugol niya sa kanyang training.

“Kumuha kami ng magagaling na sparmates para paghandaan ang estilo ni Donaire,” ayon kay Inoue.

Ayon sa ulat, nakataya sa laban ang IBF at WBA Super World bantamweight title na kasalukuyang hawak ni Inoue habang itinaya ni Donaire ang kaniyang WBC world bantamweight title.JC