Inoue target maging unang Japanese world boxing undisputed champ

Inoue target maging unang Japanese world boxing undisputed champ

October 14, 2022 @ 2:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Mabibigyan ng pagkakataon si WBC, WBA at IBF world bantamweight champion Naoya Inoue na maging unang Japanese undisputed champion sa kasaysayan sa pagsabak nito sa unification bout kontra kay WBO world bantamweight champion Paul Butler sa Disyembre 13 sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan.

Kasalukuyang rated no. 2 pound for pound boxer sa mundo ng The Ring, ang  29-taong-gulang na Inoue ay nanatiling walang tralo sa record na 23-0 na may 20 knockouts at galing sa second-round demolition kay Nonito Donaire Jr. noong Hunyo.

Samantala, si Butler ay nagmula sa isang unanimous decision kontra kay Jonas Sultan noong Abril na nagbigay sa kanya ng WBO interim bantamweight title.

Kalaunan ay na-promote siya sa world champion ng WBO matapos mabigo si John Riel Casimero na ipagtanggol ang kanyang world title laban sa kanya ng dalawang beses.

“Wala akong ilusyon sa laki ng gawaing kinakaharap ko, ngunit natutulog akong nangangarap na maging hindi mapag-aalinlanganang bantamweight champion ng mundo,” sabi ni Butler.

“Inoue is a phenomenal fighter but not one person should be underestimating me, my skills, or my resolve. Pupunta ako sa Japan para isulat ang pangalan ko sa kasaysayan ng ating sport, “ dagdag ni Butler.JC