Inoue vs Butler kasado na

Inoue vs Butler kasado na

August 25, 2022 @ 1:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kasado na sa Disyembre ang undisputed bantamweight showdown sa pagitan ng The RING, WBC, WBA, at IBF world champion na is Naoya Inoue at WBO world champion, Paul Butler.

Ayon sa ulat, sisiklab ang bakbakan ng dalawa sa Disyembre 13 sa Japan.

Si Inoue, na nagtataglay ng perpektong rekord na 23-0 na may 20 knockouts, ay nagmula sa isang makabagbag-damdaming second-round technical knockout na tagumpay laban kay Nonito Donaire Jr. noong Hunyo sa Super Arena sa Saitama, Japan.

Si Butler (34-2, 15KOs) naman ay nanalo ng malinaw na unanimous decision kontra kay Jonas Sultan upang angkinin ang WBO interim bantamweight title noong Abril.

Itinaas siya na ganap na kampeon ng sanctioning body nang tanggalan si John Riel Casimero ng kanyang WBO world bantamweight title matapos niyang labagin ang panuntunan ng British Boxing Board of Control na nagbabawal sa mga boksingero na gumamit ng sauna para magbawas ng timbang bago ang laban.

Si Inoue, na tinaguriang no.1 pound-for-pound fighter sa mundo ngayon ng The RING, ang magiging unang hindi mapag-aalinlanganang kampeon ng Japan sakaling malampasan niya si Butler.RICO NAVARRO