Inoue vs Donaire ikakasa ni Arum sa Marso

Inoue vs Donaire ikakasa ni Arum sa Marso

December 16, 2021 @ 10:59 AM 9 months ago


MANILA, Philippines – Inaasahang maikakasa na sa Marso ang laban sa pagitan nina Nonito Donaire Jr., at undefeated Japanese fighter Naoya sa Marso ng susunod na taon.

Ito’y matapos patunayan ni Donaire na ang edad niyang 39 ay isang numero at hindi nakaaapekto sa kanyang lakas at bilis bilang fighter.

 “Of course why not? It’s absolutely going to be a great duel between both fighters,”  ayon kay Top Rank big bossBob Arum.  “The last time Inoue and Donaire fought was really great.”

Matatandaang natalo si Donaire Jr. (42-6 win-loss record with 28 knockouts) kay Inoue noong November 2019 via unanimous decision sa Saitama, Japan kahit pa nabasag ng tinaguriang Filipino Flash ang kanang eye socket (orbita bone) sa kanilang matinding laban.

Galing si Donaire mula sa kanyang four-round knockout victory kontra sa kababayang siReymart Gaballo sa labang ginanap noong Linggo sa  Carson City upang mapanatili ang kanyang hawak na World Boxing Council (WBC) bantamweight belt.

Matapos manalo, agad nitong hinamon si Inoue na napanatili rin ang kanyang hawak na titulo matapos talunin si Aran Dipaen ng Thailand via eighth-round technical knockout sa Tokyo noong Martes.

Ayon kay Arum, humanga siya sa husay ni Donaire kahit pa ito ay dead 40 na.

 “It’s terrific, it’s amazing that he refuses to get old, he keeps going,” ani Arum na nagsalita na maaaring maganap ang laban ng dalawa sa Marso sa Japan.

 “A rematch with Donaire in Japan is absolutely a big, big fight,” wika nito.

Aminado naman si Arum na magiging hadlang lang sa niluluto laban ni Donaire at Inoue si World Boxing Organization bantamweight champion Johnriel Casimero.Rico Navarro