“Insanity defense” ni Nuezca dapat paghandaan ng prosekusyon – Rep Siao

“Insanity defense” ni Nuezca dapat paghandaan ng prosekusyon – Rep Siao

January 12, 2021 @ 9:39 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Ngayon pa lamang ay pinaghahanda na ni Iligan Representative Frederick Siao ang prosekusyon na may hawak ng kaso ni dating Police SMSgt Jonel Nuezca na pumatay sa mag-inang Gregorio laban sa posibleng depensa ng akusado na “insanity.”

Ayon kay Siao na siyang Vice Chairman ng Committee on Public Order & Safety na sa “not guilty plea” na inihain ni Nuezca ay maaring insanity defense ang pinaplano ng kanyang mga abogado.

“Nuezca’s lawyers will try to put forward the insanity defense. They will try to convince the public that Nuezca “lost his mind”, had a “psychotic episode”, or “nagdilim ang paningin” moments before he shot in the head and instantly killed the victims” ani Siao.

Paliwanag ni Siao na sa kumalat na viral video ay malinaw na nandun ang elemento ng murder subalit nakapagtatakang not guilty plea pa rin ang kanyang inihain.

Sinabi ng mambabatas na sa ganitong sitwasyon ay dapat na maging maagap ang prossekusyon sa paghawak ng kaso ni Nuezca.

“In my view Nuezca and his lawyers will fail at their insanity defense.Being an exception, the insanity defense has the strictest tests and hurdles in our courts. Our court judges are limited by established rules and precedents on the use of the insanity defense.I hope our government prosecutors will be ready to assail and demolish the insanity defense Nuezca’s lawyers will mount” pagtatapos pa ni Siao.

Si Nuezca ay dinismiss na ng PNP sa kanilang hanay.

Nahaharap ito sa dalawang kaso ng murder na naganap noong December 20,2020 at sa arraignment sa kanyang kaso nong Enero 7 ay naghain ito ng not guilty plea. Gail Mendoza


  •  
  •  
  •