Insentibo sa LGUs na may mataas na booster turnout, ibibigay ni PBBM

Insentibo sa LGUs na may mataas na booster turnout, ibibigay ni PBBM

September 8, 2022 @ 7:40 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Target ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bigyan ng mga insentibo ang mga lokal na pamahalaan na magpapataas ng bilang ng nabakunahan sa COVID-19 sa kanilang nasasakupan.

Inihayag ito ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Vergeire sa mga mambabatas.

Sinabi niya na ito ang mandato ni Marcos nang iulat ng DOH ang mababang pa rin ng vaccine booster uptake sa kabila ng pagsisikap ng gobyerno sa pagbabakuna.

β€œWe have allotted and identified funds for us to help our local governments and therefore incentivize them as well. And we have submitted already to the Department of Budget and Management for them to approve this realignment of funds so that we can provide incentives and this might be able to help us push our local governments to further encourage their citizens to get vaccinated,” ani Vergeire.

Hindi naman nabanggit ni Vergeire ang mga detalye ng mga insentibo.

Sa kasalukuyan kasi,Β  mababa ang interes ng publiko sa pagkuha ng booster vaccine, ayon pa sa pag-amin ng DOH sa mga mambabatas.

Matatandaang target ng gobyerno na makapagbakuna ng booster shot sa 50% ng kwalipikadong indibidwal, habang 90% target naman sa mga senior citizen hanggang Oktubre 8.

Nangangahulugan ito na hindi bababa sa 23 milyong tao ang kailangang masakop ng unang booster shot mula Hulyo 26 hanggang Oktubre 8.

Gayunpaman, 16,997,139 lamang o 21.76% ng target na populasyon ang siyang nabakunahan pa lang.

Labis na kumpiyansa sa proteksyon mula sa unang dalawang dosis ng bakuna sa COVID-19, mga side effect mula sa pagbabakuna, at ang nakikitang gastos nito, ang nakikitang dahilan ng DOH sa mababang turnout. RNT