Inside job malabo; ‘Bug bounty’ target ng hackers sa ‘Comelec data breach’

Inside job malabo; ‘Bug bounty’ target ng hackers sa ‘Comelec data breach’

January 13, 2022 @ 6:47 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Ibinunyag ng tech news editor ng Manila Bulletin na target ng grupo ng hacker na sangkot sa Commission on Elections data breach na humingi ng “bug bounty”.

“I also talked about it with Comelec and told them it looks like these guys are looking for bug bounty,” ani Art Samaniego, tech news editor ng Manila Bulletin, sa interbyu sa ANC.

“A bug bounty is a term used by security professionals wherein a company gives something in return for the information that they get,” paliwanag niya.

Matatandaang ang Manila Bulletin ang unang nag-ulat ng sinasabing hacker breach sa Comelec server kung saan nakakuha umano ang mga ito ng voter information, katulad ng mga username at PINS ng vote-counting machine.

Ani Samaniego may nakapag-tip umano sa kanila na hindi pinangalanang source ukol sa “ongoing cyber espionage” noong Enero 8.

Binigyan umano ng source ang MB ng screenshots ng active directory, na patunay na mayroong full access ang hackers sa Comelec system.

“Basta sinabi lang there’s an attack. They said there’s an ongoing cyber espionage,” ani Samaniego.

Dagdag niya, agad nilang inimpormahan ang Comelec ukol sa cybersecurity incident pero itinanggi ng poll body ang nasabing pag-atake, kung saan iginiit nil ana ang sinasabing datos na nakuha umano ay hindi pa naman naa-upload sa servers.

“We need to study more on these files because ‘yun nga puwedeng i-fabricate ‘yung file but we need to know saan ba talaga galing ‘to, anong pinagmulan nito and the hackers are willing to talk with Comelec about this one,” dagdag naman ni Samaniego.

Itinanggi niya rin ang anggulong inside job.

“The group of [Vice President] Leni [Robredo] are blaming the group of Bongbong and the group of Bongbong Marcos are blaming the group of Leni. So, all is well because everybody is blaming one another,” aniya pa.

“Every political candidate already said their piece about the incident. So wala, mukhang hindi talaga siya konektado.”

“If this is a real hack, I don’t think this is an inside job,” giit pa niya. RNT