‘Inside job’ sa unauthorized BDO transfers sinisilip- BSP exec

‘Inside job’ sa unauthorized BDO transfers sinisilip- BSP exec

December 14, 2021 @ 1:06 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Inilahad ng isang opisyal ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Martes na maaaring may naganap na inside job sa likod ng unauthorized bank transfers mula sa BDO Unibank Inc. accounts na inilipat sa accounts ng isang “Mark Nagoyo”.

Sinabi ni BSP Technology Risk and Innovation Supervision Director Melchor Plabasan sa GMa News na lahat ng records ay nasa banko.

“Definitely, merong taong involved diyan dahil lahat ng record nasa bangko,” aniya.

Ito ang naging pahayag ni nang tanungin kung isang inside job si “Mark Nagoyo.

Nilinaw niya na si Mark Nagoyo ay isang pekeng pangalan. “Hindi. Si Mark Nagoyo is a fictitious name. There is or there are real persons behind Mark Nagoyo,” giit niya.

Naiulat ng mga biktima ang unauthorized withdrawals mula sa kanilang BDO accounts na nalipat umano sa Union Bank of the Philippines (UBP) accounts ng isang nagngangalang “Mark Nagoyo”. Ginamit umano ang nanakaw na pera sa pagbili ng cryptocurrencies. RNT/SA