Insidente ng vote-buying, isumbong – PNP

Insidente ng vote-buying, isumbong – PNP

May 6, 2019 @ 4:15 PM 3 years ago



Manila, Philippines – Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) nitong Lunes ang publiko na i-report sa mga awtoridad ang insidente ng pagbili at pagbebenta ng boto sa mga lugar.

Isang linggo bago ang eleksiyon sa May 13, sinabi ni PNP chief General Oscar Albayalde sa press briefing sa Taguig na kailangang mahuli kung sino ang nagbibigay at kung sino ang tumatanggap lalo na kung ito ay mga government official.

“I think napakalaki po ang partisipasyon ng ating community dito and of course the voters themselves. They have to report it to us. Kailangan dito ebidensya like what happened in Bacoor, Cavite…” panawagan ni Albayalde sa publiko.

Siniguro rin ng hepe ng pulisya na kanilang paiigtingin ang pwersa ng PNP para hulihin ang mga insidente ng vote-buying.

“Itong vote-buying, a night before election usually nangyayari ‘yan… We will maximize our deployment… we assure the public of that. What we cannot assure is baka may makalusot…” aniya. (Remate News Team)