Inso muntik maka-gold sa men’s taijiquan

Inso muntik maka-gold sa men’s taijiquan

May 13, 2022 @ 9:46 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Muntik ng  maka-gold medal si Jones Inso sa kanyang malinis na routine pero tila mas sakalam ang kasagupa sa men’s taijiquan event ng wushu kahapon sa 31st Vietnam Southeast Asian Games sa Cau Gias Sporting Hall sa Hanoi.

Dagok sa teammates at Wushu Federation of the Philippines officials ang gabuhok na panalo ni Malaysian Zhi Yan Tan, ang huli sa 9 na partisipante, kung saan nakuha niya ang impresyon ng judges sa 9.71 points at tinalo sa 1 puntos si Inso, sa 9.70 points para sa silver medal.

Kahit paano nakabawi si Inso ngayon mula nang mabigo sa podium finish noong 2019 SEA Games sa Pilipinas.
Bronze medalist si Singapore’s Jun Kai Chan sa 9.57 habang ang isa pang Pilipino entry na si Daniel Parantac ay 7th sa 9.26.RICO NAVARRO