Inspeksyon sa negosyo, establisimyento, ikakasa ng DOLE

Inspeksyon sa negosyo, establisimyento, ikakasa ng DOLE

February 10, 2022 @ 8:10 AM 8 months ago


MANILA, Philippines – Magsasagawa ang Department of Labor and Employment (DOLE)  ng malawakang inspeksyon sa mga establisyimento upang matiyak ang pagsunod sa mga lugar na pinagtatrabahuan sa mga health protocol upang masiguro ang pagbaba ng alert level 2 sa National Capital Region (NCR) tungo sa Alert Level 1.

Sa isang virtual forum, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nais nilang mailagay ang rehiyon sa ilalim ng pinaka-relax na alert level “para mabuhay ang negosyo at trabaho”.

“Sa isang pagpupulong kasama ang mga matataas na opisyal, sinabi ko sa kanila na magsagawa ng malawakang inspeksyon. Upang mapabuti ang mga lugar ng trabaho, maiwasan ang pagkalat ng sakit na coronavirus 2019 (COVID-19), at upang mabawasan ang mga kaso sa NCR upang matiyak ang pagbaba sa Alert Level 1,” sabi ni Bello.

Aniya, isang magandang desisyon ang pagbaba ng status ng Metro Manila mula Alert Level 3 hanggang Alert Level 2 dahil mas maraming negosyo ang muling nag-operate.

“Kapag buhay ang negosyo, buhay ang mga oportunidad sa trabaho. Kaya sabi ko, bantayan muna natin ang sitwasyon, at least sa NCR,” dagdag ni Bello.

Nasa Alert Level 2 ang Metro Manila hanggang Pebrero 15.

Siya ay kumbinsido kapag ang sitwasyon ay bumuti at ang mga kaso ay bumaba, maaari itong magresulta sa pagbaba pa lalo ng antas ng alerto.

“For that purpose, I mobilized our labor law compliance officers (LLCO) and occupational safety and health (OSH) inspectors to inspect if all establishments compliant with labor laws including occupational safety and health standards so that we can have a good situation in Metro Manila, and bring down the Covid situation here. This will probably prompt IATF to lower (the alert level) from 2 to 1. That is what we need in order to revive our businesses. When we see improvements in businesses, we can expect employment will survive,” dagdag niya.

Samantala, iniulat ni Bello na nakatanggap sila ng mahigit 100,000 aplikasyon para sa COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP), noong Pebrero 6.

Aniya, sa 104,666 kabuuang aplikasyon na natanggap, 31,068 na ang naaprubahan.

May kabuuang 19,187 ang naaprubahan para sa disbursement o nagbabayad. RNT