Inspeksyon sa power plants sa rotational brownouts ‘di sakop ng NGCP – spox

Inspeksyon sa power plants sa rotational brownouts ‘di sakop ng NGCP – spox

June 2, 2021 @ 2:57 PM 2 years ago


MANILA, Philippines – Hindi tungkulin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang inspeksyon ng ng mga power generation plant, ayon sa spokesperson nito.

“If power plants’ equipment break down, or there is negligence or failure of maintenance, the fact-finding is not within our authority. It is with DOE and ERC,” giit ni lawyer Cynthia Alabanza sa dzBB.

“Di ako sigurado kung may naiinspeksyon. Wala po kaming information roon,” dagdag nito.

Ang NGCP ay isang pribadong korporasyon na nagbabantay sa power transmission ng bansa.

Itinaas ng NGCP ang Luzon sa Yellow at Red Alert status dahil sa kakulangan ng suplay ng kuryente bunsod ng mataas na demand nito.

Dahil dito nagkakaroon ng rotational brownouts sa rehiyon.

Ayon naman sa DOE, ang yellow at red alert ay dahil sa unplanned outage ng tatlong planta.

Dagdag pa ni Alabanza na batay sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), power transmission lamang ang sakop ng NGCP at hindi ang power generation.

“If there is no [power] supply, we have nothing to transmit,” aniya.

“We are in charge on transmission, ensuring that the power supply reaches consumers. We take care of the management of the available power supply, and that is why we had to implement rotational power interruption so such incident won’t happen in a certain place all the time,” paliwanag pa nito. RNT/ELM