Inspeksyon, walkthrough sa ruta ng Walk of Faith ikinasa ng MPD

Inspeksyon, walkthrough sa ruta ng Walk of Faith ikinasa ng MPD

January 4, 2023 @ 2:31 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ilang araw bago ang mismong Kapistahan ng Poong Itim na Nazareno ay nagsagawa ng “walkthrough” at inspeksyon ang Manila Police District (MPD) kaninang madaling araw, Enero 4 sa ilang mga lugar na daraanan ng “Walk of Faith”.

Layon nito na matiyak na ligtas at walang magiging problema sa mga ruta na dadaanan ng prusisyon.

Sinabi ni MPD Chief Police Brig. Gen. Andre Dizon, na kabilang sa kanilang inikutan ay ang Quirino Grandstand, Jones Bridge, at ilan pang mga kalsada sa paligid ng Simbahan ng Quiapo.

Sa kanilang pag-iinspeksyon ay may ilang mga bahagi ng bangketa na kailangang linisin o i-clear.

Batay sa schedule ng pamunuan ng Quiapo Church, ang Walk of Faith ay idaraos sa Enero 8, alas-2 ng madaling araw hanggang alas-4 ng madaling araw.

Humigit-kumulang 5 milyong tao ang tantya ng MPD na makikibahagi sa prusisyon, na siyang ipinalit sa tradisyunal na “Traslacion.” Jocelyn Tabangcura-Domenden