‘Instability’ sa ilalim ng pamumuno ni BBM ibinabala ni Walden Bello

‘Instability’ sa ilalim ng pamumuno ni BBM ibinabala ni Walden Bello

May 10, 2022 @ 8:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Binanatan ni former vice presidential candidate Professor Walden Bello nitong Martes si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., presidential frontrunner sa Halalan 2022.

Sinabi niya na posibleng maharap ang Pilipinas sa “six years of instability” sa ilalim ng pamumuno ni Bongbong, at sinabing ang malaking sektor ng bansa “refuse to grant legitimacy and credibility to the rule of a family of thieves.”

“Being an alliance of convenience, the Marcos-Duterte dynastic duo will be lucky to survive one year before it is undone by the inevitable infighting over the spoils of office,” aniya.

“The government bureaucracy is likely to be split, as will the military. An electoral base built on the illusion of Marcos delivering on his promising everything under the sun will soon generate disappointment and, after that, rage,” dagdag niya.

Binigyang-diin din ng Partido Lakas ng Masa vice presidential bet ang tungkulin na palawigin ang mass base para sa democratic socialist future ng bansa, at pagpapanatili sa democratic rights ng mga indibidwal, na maaari umanong masira sa ilalim ng panunungkulan ni Marcos at kanyang running mate na si Davao City mayor Sara Duterte.

Nangako rin si Bello na magiging parte siya ng oposisyon laban sa sunod na administrasyon, at iginiit na sila ni presidential candidate Leody De Guzman “carried out the most militant opposition to the axis of evil.”

“For, contrary to the gloating of our stupid reactionary elites, these assholes have overreached and created the conditions for the inevitable coming together of our people around a program of justice, equality, and true democracy,” dagdag niya. RNT/SA