Instagram may bagong feature

Instagram may bagong feature

October 5, 2018 @ 7:54 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Mas pinadali na ng Instagram para sa kanilang users ang pag-follow lalo na kung hindi alam ang username.

Ang kanilang inilunsad na bagong feature na tinawag na ‘nametag’ ay isang personalized identification card, na makakatulong para mas madali nang mahahanap ng mga user ang mga kaibigan nila sa pamamagitan ng pag-scan nito para hanapin ang kanilang IG profiles.

Para ma-scan ang nametag, swipe lang sa kanan at magbubukas ang camera. Gamitn ito at i-capture ang nametag.

Pwede ring pindutin ang “scan a nametag” sa ibabang bahagi ng inyong screen.

Image result for instagram name tag

Ang ‘nametag’ ay makikita ng mga user sa kanilang profile, pipindutin lamang ang tatlong linya sa upper right corner.

Pwede ring i-customize ang nametag at palitan ito ng design, gaya ng kahit anong kulay, emoji o maging selfie ng user.

Ang bagong feature ay sinimulan na at available na sa IOS at Android users. (Remate News Team)