Institulisasyon ng NEDA isinusulong ni Gatchalian

Institulisasyon ng NEDA isinusulong ni Gatchalian

November 6, 2022 @ 3:11 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinimok ni Senator Sherwin Gatchalian nitong Linggo, Nobyembre 6 ang National Economic Development Authority (NEDA) na bumuo ng long term economic plan para sa ekonomiya ng bansa kasabay ng kanyang pagnanais sa institulisasyon ng naturang ahensya.

Sa kanyang inihaing Senate Bill 1060 na naglalayong magpalakas ng kasalukuyang lagay ng NEDA sa pamamagitan ng pagbuo ng long, medium, at short-term development plans para sa mas malagong ekonomiya, pantay na oportunidad sa mga mamamayan, sahod at yaman maging ang pagpapabuti ng buhay.

Ang NEDA ay nabuo sa ilalim ng Presidential Decree No. 107 noong Enero 24, 1973 ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, at isinaayos sa pamamagitan ng Executive Order No. 230 series of 1987 ni dating Pangulong Corazon Aquino.

Ani Gatchalian, hindi sapat na amg bansa ay may plano at upang mapatupad ng epektibo ang naturang plano ay magkaroon ito ng ganap na kalayaan sa pagkamit ng economic goals nito.

Napakahalaga rin para sa Senador ang partisipasyon ng pampubliko at pribadong sektor sa pag-abot ng layunin ng NEDA.

Sa ilalim ng panukala, palalakasin ng NEDA Ng decentralization at palalakasin ang autonomy ng mga unit nito sa iba’t ibang rehiyon. RNT/JGC