Integrasyon ng marine units sa PH Navy, Coast Guard target ng PNP

Integrasyon ng marine units sa PH Navy, Coast Guard target ng PNP

February 28, 2023 @ 3:12 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Tinitinganan ng Philippine National Police (PNP) ang posibilidad ng pagsasama ng maritime units nito sa Philippine Navy (PN) at sa Philippine Coast Guard para palaksin ang maritime law enforcement capability ng pamahalaan.

“We wanted to have a memorandum of understanding with them (PCG and Philippine Navy) to secure our waters against contrabands and including the campaign against human trafficking,” pahayag ni PNP chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. sa sidelines ng presentasyon at blessing ng bagong PNP equipment sa PNP Grandstand sa Camp Crame nitong Lunes.

Sinabi niya na tututukan ang hanggangan ng Pilipinas sa Philippine boundaries sa Malaysia at Indonesia.

Karaniwang nagiging daan ang hangganan sa timog na bahagi ng Pilipinas ng smuggling at human trafficking activities.

Matatandaan na nagsilbi rin ang timog na hangganan ng Pilipinas nilang ruta ng international terrorists na nais magtago sa Pilipinas at paboritong daan ng Abu Sayyaf Group sa kidnapping activities nito sa Malaysia at Indonesia.

Kasalukuyang tumututok ang pagbili ng PNP ng sea vessels, na bahagi ng modernization program nito, sa kanlurang bahagi ng Mindanao.

Kabilang ang dalawang high-speed watercraft sa bagong kagamitan equipment ng PNP na binasbasan nitong Lunes.

Tiniyak naman ni PCG commandant Adm. Artemio Abu, guest of honor at speaker sa event, ang pakikipagtulungan sa PNP sa law enforcement activities.

“As the commandant of the PCG, it has been my advocacy to strengthen our partnership, coordination and collaboration with the stakeholders and other government agencies. It is our firm belief that by working together we achieve great things, that of enforcing the law and addressing lawless activities in the community and in achieving this end, we both believe that the whole is far more than the sum of its parts,” pahayag ni Abu. RNT/SA