Intel fund ni Digong gamitin sa election pay ng mga guro – ACT

Intel fund ni Digong gamitin sa election pay ng mga guro – ACT

December 8, 2021 @ 12:54 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Nagkasa ng protesta at ipinanawagan ng grupo ng mga guro na taasan ang honorarium ng mga guro na gaganap bilang election officers sa May 2022 elections bunsod na rin ng kinahaharap na dagdag panganib dulot ng pandemya.

Sinabi ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) party-list na dapat taasan ang ibibigay na kumpensasyon sa mga gurong magbabantay sa eleksyon, at maaaring hugutin ang pondo sa intelligence fund ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pwedeng kunin ang dagdag-pondo sa P10 bilyong pondo ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o sa P4.5 billion intelligence fund ng Pangulo, ayon kay ACT Partylist Rep. France Castro.

“Sa’min kasi tingin natin dito ay presidential pork, hindi naman ito nae-explain o no-audit ng COA (Commission on Audit) that’s why sinabi natin it could be possible kung gusto ni President,” ani Castro sa interbyu.

Sa hirit ng ACT, pinatataasan nito sa Comelec ang honoraria ng mga guro ng dagdag na P3,000 pa.

Bukod pa sa dagdag-sahod, pinabibigyan din ni Castro ng food at transportation allowance ang mga guro.

“Before it was 6 a.m. to 3 p.m., now it would be 6 a.m. to 7 p.m. and there will also be 1 day for testing and 1 day for sealing of the machine. There would be training, briefing required by Comelec to BEIs (Board of Election Inspectors) and other poll workers,” aniya pa. RNT