Intel report ng US ukol sa UFOs inilabas na



Intel report ng US ukol sa UFOs inilabas na

June 6, 2021 @ 12:02 PM 3 weeks ago

  •  
  •  
  •  

WASHINTON – Inilabas na ng Amerika ang naging konklusyon nito ukol sa US intelligence report sa presensya ng unidentified flying objects.

Ayon sa US military and intelligence, ito ay “inconclusive”.

Giit pa nil ana walang nakitang ebidensya ukol sa advance na teknolohiyang bumabalot sa mga hindi mawaring lumilipad na bagay na nakita ng mga piloto ng military.

Ayon pa sa ulat na hindi nila ito kinikilala bilang alien spacecraft, ayon sa New York Times.

Sa kabilang banda, hindi rin maipaliwanag ang mga pangyayari at insidente, na ang ilan ay nabidyohan pa ng mga piloto, dahil rito, hindi rin maisantabi ang presensya ng mga alien.

But it also could not explain dozens of phenomena and incidents, some filmed by the pilots, and so could not rule out the existence of aliens.

Ayon pa sa New York Times na sinabi umano ng hindi na pinangalanang senior administration officials, na walang kinalaman ang US military sa higit 120 insidente sa nakalipas na 20 taon ukol sa mga pangyayaring ito.

Pero hindi rin nila maipaliwanag ang nakitang lumilipad na bagay na paikot-ikot at bigla na lang nawala. RNT


  •  
  •  
  •