Intel sa Bilibid palalakasin ng BuCor

Intel sa Bilibid palalakasin ng BuCor

November 3, 2022 @ 4:44 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Palalakasin pa ng Bureau of Corrections (BuCor) ang intelligence monitoring sa loob ng mga bilangguan.

Ito ay makaraang makuhanan ng aabot sa 12,000 mga kontrabando katulad ng mga cellphone, armas, alak at illegal na droga ang mga preso.

“Paiigtingin ko yung aking intelligence at sinabihan ko po yung aking mga commander, eh one strike policy po kayo,” pahayag ni BuCor OIC Gregorio Pio Catapang.

“Kasi ‘wag niyo akong pilitin na ako pa mga-iinspeksyon diyan sa kubol. Kasi pag nag-inspect ako, eh mananagot kayo kung bakit napapabayaan,” dagdag pa niya.

Ani Catapang, hahaba pa ang sentensiya ng isang inmate na makukuhanan ng kontrabando.

“Baka hindi na sila makalaya, eh yun pa naman ang program natin,” pagdidiin niya.

Matatandaang itinalagi si Catapang bilang OIC ng BuCor makaraang suspendihin si BuCor chief Gerald Bantag habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ukol sa pagkamatay ng itinuturong middleman sa pagpatay kay Percy Lapid na si Jun Villamor. RNT/JGC