Intel sa ‘destab plot’ kinumpirma ng PNP-OIC

Intel sa ‘destab plot’ kinumpirma ng PNP-OIC

May 10, 2022 @ 11:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala si Police Lt. Gen. Vicente Danao, officer-in-charge ng Philippine National Police (PNP), sa ilang grupo at indibidwal laban sa anumang planong maghasik ng destabilisasyon batay sa resulta ng pambansa at lokal na halalan.

Sa isang press briefing nitong Lunes, sinabi ni Danao na mayroon silang contingency plan sa ground para hadlangan ang anumang pagtatangka na gawing panseguridad ang sitwasyon ng bansa.

Aniya, batid din niya ang mga ulat at espekulasyon na maghahasik ng destabilisasyon ang ilang grupo kung hindi pabor sa kanila ang resulta ng halalan.

“We cannot discount the fact that there were intelligence reports reaching our office that there are some personalities who wanted to agitate the people,” ani Danao.

“That is why I have been warming them please do not do it because the PNP is ready to face you anytime,” dagdag pa niya. RNT