
June 30, 2022 @5:36 PM
Views:
3
MANILA, Philippines- Nangako ang bagong Department of Social Welfare and Development Secretary na si Erwin Tulfo nitong Huwebes na ie-extend ang kontrata ng lahat ng DSWD workers na natanggap sa ilalim ng Contract of Service (COS).
Sa kanyang talumpati sa DSWD turnover ceremony, pinasalamatan ni Tulfo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagpayag na siya ay maglingkod, at sinabing tinatanggap niya ang hamon.
“Tinatanggap ko ang hamon. Alam ko na ang trabahong ito ay trabaho para pagsilbihan ang ating mga kababayan na mahihirap. Isa pong misyon, ika nga po gargantuan task, na we lead to succeed na hindi lang po gampanan ang misyon, kundi maging successful tayo sa misyon na ito. Bawat isa sa atin ay may misyon na paglingkuran ang mga mahihirap. Kailangan ko po ang tulong ninyong lahat,” aniya.
Bilang unang aksyon bilang Social Welfare and Development Secretary, tiniyak ni Tulfo na ie-extend ang kontrata ng COS workers ng DSWD na nagsimulang magtrabaho sa ahensya para sa implementasyon ng mga espesyal na serbisyo at proyekto.
“Dahil gusto po ng ating Pangulo na walang maiiwan. Ang sinasabi po na pandemic recovery ang lahat po ay kasamang umangat, walang maiiwan. Kaya po kung may matatatanggal po eh di maiiwan po yun. Kaya sisiguraduhin ko pong walang maiiwan, lalong lalo na po sa DSWD,” ayon kay Tulfo.
Gayundin, pinasalamatan ni Tulfo si outgoing DSWD Secretary Rolando Bautista para sa kanyang pamumunod sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic at iba pang kalamidad. RNT/SA
Marcos nangakong tatapusin ang infra projects sa tamang oras

June 30, 2022 @5:24 PM
Views:
18
MANILA, Philippines- Nangako si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tatapusin niya “sa tamang oras” ang infrastructure projects sa panahon ng kanyang administrasyon.
“We will continue to build, I will complete on schedule the projects that have been started. I am not interested in taking credit. I want to build on the success that’s already happening. We will be presenting the public with a comprehensive infrastructure plan, six years could be just about enough time,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang inaugural speech matapos ang kanyang oath-taking sa National Museum sa Maynila, araw ng Huwebes.
Bago pa ilarawan ang kanyang infrastructure plan, pinuri ni Pangulong Marcos ang kanyang ama , ang namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at ang kanyang predecessor na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, para sa pagtatatag ng mas marami at maayos na lansangan kumpara sa mga administrasyon bago ang mga ito.
“My father built more and better roads. Produced more rice than all administrations before his. President Rodrigo Roa Duterte built more and better than all the administrations succeeding my father’s,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Much has been built and so well that the economic dogma of dispersing industry to develop the least likely places has been upturned. Development was brought to them. Investors are now setting up industries along the promising routes built. And yet, the potential of this country is not exhausted,” dagdag na pahayag ni Pangulong Marcos.
Samantala, tiniyak naman ni Pangulong Marcos na wala ni isa mang bahagi ng bansa ang mapababayaan.
“Progress will be made wherever there are Filipinos so no investment is wasted,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose
MPD: Inagurasyon ni BBM payapa, matagumpay

June 30, 2022 @5:12 PM
Views:
23
MANILA, Philippines- Mapayapa at napakatagumpay ang lahat ng mga plano sa seguridad sa inagurasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong’ Marcos Jr,ayon sa pamunuan ng Manila Police District (MPD).
Bukod dito, wala ring iniulat na anumang kaguluhan o untoward incidents sa makasaysayang panunumpa ng bagong pangulo ng Republika ng Pilipinas.
“Very peaceful and very successful, all security plans were carried to the letter and no untowards incident reported as of this time” ayon kay MPD spokesperson Major Philipp Ines base na rin aniya sa ipinadalang mensahe ni MPD Director P/Brig Gen. Leo Francisco.
Katuwang ng mga kapulisan ng MPD,at mula sa NCRPO, ang mga idineploy na mga tauhan mula sa Philippine Coast Guard (PCG), Metro Manila Development Authority(MMDA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at iba pang ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng kaayusan at mahigpit na seguridad sa inagurasyon.
Umabot ng ilang araw ang preparasyon sa nasabing aktibidad upang matiyak na maging ligtas ang lahat nang dadalo sa inagurasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden
DOH naghihintay pa ng abiso sa itatalagang OIC

June 30, 2022 @5:00 PM
Views:
17
MANILA, Philippines Hinihintay pa ng Department of Health (DOH) ang abiso at payo mula sa Office of the Executive Secretary kung sino ang itatalagang officer in charge ng ahensya sa pagpapalit ng administrasyon.
Ang pahayag ng DOH ay dahil wala pang na naitatalang kalihim ng DOH si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
“The DOH awaits further advice and instructions from the Office of the Executive Secretary as to the OIC/Head of Agency upon transition into the new administration.”
Ang DOH ay naharap sa maraming batikos at kontrobersya sa gitna ng paglaban at pagtugon sa pandemya dulot ng COVID-19.
Nauna na ring sinabi ni dating Health Secretary Francisco Duque III na hindi ito magrerekomenda ng posibleng papalit sa kanya ngunit iginiit na dapat ay may karanasan sa pagtugon sa pandemya. Jocelyn Tabangcura-Domenden
NDFP spox Araneta hinatulan ng reclusion perpetua sa 1975 murder

June 30, 2022 @4:45 PM
Views:
23