Inter-agency approach vs fake news ikasa

Inter-agency approach vs fake news ikasa

September 8, 2022 @ 2:51 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Dahil hindi kaya ng iisang ahensya na labanan ang fake news, kailangan ang inter-agency approach matiyak na hindi maaabuso ang internet at ibang kasangkapan ng impormasyon at komunikasyon.

Iginiit ito ni Sen. Robin C. Padilla sa kanyang Senate Resolution 191, na nananawagan din ng imbestigasyon sa pagpapaigting ng implementasyon ng Cybercrime Prevention Act of 2012 at kaakibat na batas.

“The spread of fake news through means such as social media, messaging mobile applications and SMS has considerably widened the social and political divide among Filipinos resulting in confusion, distrust and proliferation of hate speech,” ani Padilla sa kanyang resolusyon.

“In the Philippines, no less than the Supreme Court recognizes that ‘although freedom of expression enjoys an exalted place in the hierarchy of constitutional rights… the exercise of the right is not absolute for it may be so regulated that it shall not be injurious to the equal enjoyment of others having equal rights, not injurious to the rights of the community or society,” dagdag niya.

Ayon sa resolusyon, ang magsasagawa ng imbestigasyon ay ang Senate Committee on Public Information and Mass Media na pinamumunuan ni Padilla.

Sa paghain ng resolusyon, ipinunto ni Padilla na $78 bilyon ang nawawala sa ekonomiya ng mundo kada taon dahil sa fake news sa “financial, public health and business sector, and also in politics.”

Binanggit din niya na ang United Nations Human Rights Council ay nag-adopt ng resolusyon laban sa fake news noong Abril 1, 2022.

“Pursuant to the police power of the State, Congress has the power to enact laws to regulate speech and restrict any form of expression that may convey false information within the bounds of the Constitution in order to curb the spread and abate the ill effects of ‘fake news,'” ani Padilla sa kanyang resolusyon.

Iginiit ni Padilla na kailangan ng mga institusyon na labanan ang fake news:

* Sa news industry na isulong ang news literacy at professional journalism
* Sa educational institutions na maging proactive laban sa online propaganda, misinformation at falsehoods

Dagdag ng mambabatas, itinayo ng Department of Information and Communications Technology at ng Philippine National Police ang task force laban sa fake news noong kasagsagan ng Covid pandemic.

Nitong Agosto 2022, inatasan ang PNP Anti-Cybercrime Group para paigtingin ang cyber patrolling laban sa fake news. Ernie Reyes