Intercontinental ballistic missile pinakawalan ng NoKor

Intercontinental ballistic missile pinakawalan ng NoKor

February 19, 2023 @ 1:39 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kinumpirma ng North Korea na nagpakawala ito ng
Hwasong-15 intercontinental ballistic missile (ICBM) isang araw makalipas ang “sudden launching drill” na paghahanda umano ng bansa para sa
“mobile and mighty counterattack” laban sa mga pwersa ng ibang bansa.

Pinakawalan ng North Korea ang long-range ballistic missile sa dagat kanluran ng Japan nitong Sabado ng hapon, Pebrero 18 matapos lamang ang babala ng matinding tugon, sa nalalapit na military drill ng South Korea at Estados Unidos.

“The surprise ICBM launching drill … is an actual proof of the DPRK strategic nuclear force’s consistent efforts to turn its capacity of fatal nuclear counterattack on the hostile forces into the irresistible one,” pahayag ng state news agency na KCNA.

Sa hiwalay na pahayag nitong Linggo, Pebrero 19, pinuna naman ng kapatid ni North Korean leader Kim Jong Un na si Kim Yo Jong, ang Estados Unidos sa paglapit nito sa UN Security Council na tinawag niyang “tool for its heinous hostile policy” laban sa Pyongyang.

“I warn that we will watch every movement of the enemy and take corresponding and very powerful and overwhelming counteraction against its every move hostile to us,” aniya.

Sa impormasyon, ang missile ay lumipad ng 989 kilometro sa loob ng 4,015 seconds sa maximum altitude na 5,768 kilometro bago tumama sa pre-set area sa dagat.

Ang Hwasong-15 ay unang sinubukan noong 2017. RNT/JGC