Interest rate sa credit card ‘wag taasan-solon

Interest rate sa credit card ‘wag taasan-solon

October 7, 2022 @ 10:12 AM 6 months ago


MANILA, Philippines – Isang House Resolution ang inihain ni Makati City Rep. Luis Campos Jr na humihiling na panatilihin pa rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang kasalukuyang 2% maximum monthly interest rate sa unpaid o outstanding credit card balances.

Iginiit ni Campos sa kanyang House Resolution 459 na ang pananatili sa maliit na interest rate sa mga credit cards ay makatutulong ng malaki sa mga Filipino consumer sa harap na rin ng pagtaas ng inflation rate na pumalo sa 6.9%.

“We want the BSP to keep credit card pricing reasonable and within reach of consumers that are now reeling from the soaring cost of goods and services. Salaried Filipinos are struggling to make ends meet. They are increasingly relying on their credit cards to make essential purchases and to pay bills, including the tuition fees of their children,” paliwanag ni Campos.

Base sa datos ng BSP, mahigit sa 10.3 million Filipinos ang mayroong issued credit cards, habang ang banking system’s credit card receivables sa bansa ay umaabot sa kabuuang P478.4 billion nitong Hunyo 30, 2022.

Bukod sa fixed monthly interest rate, isinisulong din ni Campos na mapanatili ang maximum 1 percent monthly add-on rate sa credit card installment loans at ang P200 per transaction ceiling sa cash advance processing fees.

Ang panawagan ni Campos sa BSP ay kasunud na rin ng nakatakdang pagsasagawa ng BSP ng pag-aaral o review hinggil sa nabanggit na thresholds charges.

Ani Campos sa nakalipas na tatlong semi-annual reviews ng BSP ay napagpasyahan nitong hindi baguhin ang itinakdang caps o limits dahil nasa pandemic ang bansa, ani Campos, marami pa ring factor na dapat isa alang alang sa kasalukuyan at hindi lamang ang pandemic, isa na ang mataas na inflation rate, ang pagtaas ng presyo ng bilihin at presyo ng gasolina

“The lifting of the ceilings would only aggravate the financial burden of consumers,” pagtatapos pa ni Campos. Gail Mendoza