Interest rates tinaasan pa ng BSP sa 5%

Interest rates tinaasan pa ng BSP sa 5%

November 17, 2022 @ 3:53 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinaasan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang interest rates ng bansa sa 5%.

Ito ay upang matapatan ang naunang inanunsyo ng US Federal Reserve na hakbang kontra sa inflation.

Ang hakbang naman ng Monetary Board na taasan ang policy rate ng 75 basis points (bps) ng three-quarters ng percentage point ay kasunod ng 50-bp hike noong Setyembre.

Matatandaan na sa pagsisimula ng buwan ay sinabi na ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BPS) Governor Felipe Medalla na nakahanda ang bansa na tapatan ang rate hike ng US Fed upang mapagaan ang epekto nito sa halaga ng piso na matatandaang ilang buwan nang mahina.

Maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay nagparamdam na na ang pagtataas sa interest rates ang paraan upang mapabagal ang inflation.

Ang pagtataas ng interest rates kasi ay makaaapekto sa pangungutang ng mga consumers at bababa ang halaga ng paggastos ng mga mamamayan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority, umakyat sa 7.7% ang inflation noong Oktubre na pinakamataas sa nakalipas na 14 na taon. RNT/JGC