INTERNATIONAL DAY OF MATHEMATICS AT WORLD PI DAY

INTERNATIONAL DAY OF MATHEMATICS AT WORLD PI DAY

March 14, 2023 @ 1:18 PM 3 weeks ago


Eksakto ngayong araw na ito ay ang obserbasyon ng “International Day of Mathematics” sa pangunguna ng International Mathematical Union at ng UNESCO o ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization” na nagsimula lamang obserbahan noong taong 2020. 

Bakit ngayong March 14 ang napiling paggunita sa araw ng matematika ay dahil ngayong araw din inoobserbahan ang “World Pi Day” o ang mathematical constant na 3.14. Naalala n’yo ba na ang katumbas ng “Pi” ay 3.14.

Bagamat maraming estudyante ang nagsasabing nahihirapan sila sa kanilang mathematics subject, alam n’yo bang sa buong mundo ay nasa 46% ang nahihilig dito at mas marami nga ang mga lalaki ayon sa isang pag-aaral.

Aminado ang DEPED o ang Department of Education na sa Mathematics at sa Science pinakamahina ang mga estudyanteng Pilipino. Sa isinagawa ngang international student assessment noong taong 2018 at 2019, second to the last ang naging posisyon ng Pilipinas sa 79 na bansang nagsagawa ng pagsusuri at pagsusulit. Lubha itong nakalulungkot.

Lumabas din sa isang pag-aaral, na nasa 17% lamang ng mga mag-aaral sa Grade 5 ang nakaiintindi ng kanilang pinag-aaralan sa matematika.

Mahalaga pa naman ang Mathematics sa pang-araw-araw na buhay partikular sa ekonomiya, kalusugan, transportasyon, komunikasyon, planetary challenges, paglaban sa kalamidad, pandemya, at iba pa. Ang kabuuan ng ating buhay ay binubuo ng araw-araw na matematika o mga numero.

Sa ilalim ng pamaumuno ni Vice President Sara Duterte sa DEPED ay masusing pinag-aaralan ang pagpapalakas hindi lamang sa Mathematics kundi maging sa Science, information and communications technology, at English para hindi mapag-iwanan ang ating mga mag-aaral sa lalong umuunlad na panahon.

Ang tema ng obserbasyon ngayong taon ay “Mathematics for Everyone”.

-ooOoo-

Sa mga mahihilig ng bagoong, may paanyaya ang Municipality of Lingayen sa lalawigan ng Pangasinan sa buong buwang selebrasyon ng Bagoong Festival.