‘International standards’ ikakasa ng DOTr para sa mas pinahusay na transportasyon

‘International standards’ ikakasa ng DOTr para sa mas pinahusay na transportasyon

July 19, 2022 @ 1:56 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Target ng Department of Transportation (DOTr) na i-adopt ang international standards upang pagbutihin ang transportation system sa bansa, ayon kay Secretary Jaime Bautista nitong Lunes.

Sa isang panayam, tinanong si Bautista ukol sa posibleng rekomendasyon niya kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Cabinet meeting.

“Ang sinasabi po namin ay kailangan siguro i-adopt natin ‘yung mga international standards,” aniya.

“Alam niyo po, ‘yung busway na ‘yan, maraming ganyang operasyon sa ibang bansa. Nakikita po namin na ‘yung ating mga ginagawang operasyon ay medyo hindi in accordance with international standards,” patuloy ni Bautista.

Sinabi ni Bautista na pinag-aaralan ng DOTr na gawing “convenient” sa publiko ang transportasyon.

Base rin kay Bautista, pinaplano ng DOTr na magtalaga ng fleet management system para sa busway upang masiguro ang sapat na bilang ng mga bus para sa mga pasahero. RNT/SA