Internet election voting sa mga Pinoy overseas, ipinanukala ng Comelec

Internet election voting sa mga Pinoy overseas, ipinanukala ng Comelec

September 5, 2022 @ 9:07 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Garcia na isusulong nila ang internet voting para sa mga Pilipino sa ibang bansa.

Sa isang panayam sa telebisyon, nagpahayag ng paniniwala si Garcia na ang pagboto sa internet ay makakatulong na mapataas ang bilang ng mga botante para sa pagboto sa ibang bansa dahil marami sa mga botante ang nahihirapang bumoto nang personal o sa pamamagitan ng postal na pagboto.

“If internet voting will be allowed…we believe that the overseas voter turnout will be higher,” ani Garcia.

Dagdag pa ng poll chief, noong nakaraang mga halalan, nasa 29 porsiyento ang turnout ng mga botante sa ibang bansa.

Aniya mas mainam kung maaaring magbigay ng isa pang alternatibo at ito ay ang pagsusulong ng paggamit ng internet voting para sa Filipino abroad.

Ngunit, aniya, ang huling ‘say’ ay palaging magmumula sa Kongreso.

Nagsagawa ang Comelec ng series test run para sa overseas internet voting noong nakaraang taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden