Internet ng Pinas bumilis noong Nobyembre — Ookla Speedtest

Internet ng Pinas bumilis noong Nobyembre — Ookla Speedtest

December 8, 2021 @ 5:04 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Bumilis ang internet ng Pilipinas sa buwan ng Nobyermbre, ayon sa bagong datos ng global speed monitoring firm Speedtest ng Ookla.

Sa bagong Ookla Speedtest Global Index, kapwa tumaas ang fixed broadband at mobile download speeds ng bansa noong nakaraang buwan.

Base sa datos, bumilis ito sa 75.02 megabits per second (Mbps) mula sa 71.08Mbps na naitala noong Oktubre habang ang fixed broadband download speed level ay nasa 5.54% month-to-month improvement.

Ipinepresenta rin ng bagong speed test result ang improvement ng 848.42% sa fixed broadband download speed buhat noong Hulyo 2016.  RNT/FGDC