Internet ranking ng Pinas noong Disyembre gumanda pa – Ookla

Internet ranking ng Pinas noong Disyembre gumanda pa – Ookla

January 19, 2022 @ 5:44 PM 4 months ago


Manila, Philippines – Gumanda pa ang internet speed global rankings ng Pilipinas sa mobile at fixed broadband noong Disyembre 2021, batay sa pinakabagong datos na inilabas ng global speed monitoring firm Speedtest ng Ookla.

Umabot ang median download speed sa mobile internet sa 19.20 megabits per second (Mbps) mula sa 18.68 Mbps noong Nobyembre na naglagay sa pang 89 na pwesto na dati ay 90.

Sa usapin naman ng fixed broadband median download speed, umakyat sa pang-63 mula 72 nang bumilis sa 50.26 Mbps ang speed.

Nananatili namang may ‘fastest median download speed’ ang Caloocan sa buong Pilipinas.  RNT/FGDC