Internet sa bansa mas bumilis – Ookla

Internet sa bansa mas bumilis – Ookla

September 21, 2022 @ 6:55 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mas bumilis ang internet speed sa bansa nitong Agosto ayon sa Ookla.

Sa impormasyon na inilabas ng internet speed monitoring firm na Ookla, bahagyang tumaas ang pwesto ng Pilipinas sa internet ranking sa buong mundo noong nakaraang buwan.

Mula sa ika-46 na pwesto noong Hulyo ay nasa 45th spot na ito nitong Agosto mula sa 182 bansa na tinutukan ng kompanya sa broadband speed.

Ang broadband speed naman ng bansa ay bumilis mula sa 75.62 Mbps patungong 78.33 Mbps.

Sa mobile internet speed naman ay umangat ang Pilipinas mula ika-84 na pwesto patungong ika-82 pwesto kahit na bahagyang bumaba ang bilis nito mula 22.56 Mbps nitong Hulyo sa 22.35 Mbps sa Agosto.

Matatandaan na puspusan rin ang pagpapaunlad ng bansa sa bilis ng internet sa pamamagitan ng pagpapabilis rin ng pagbibigay ng mga local government units ng permit sa mga telco upang gumawa ng tower at fiber optic networks. RNT/JGC