Internet sa top tourist destinations sa Pinas, palalakasin

Internet sa top tourist destinations sa Pinas, palalakasin

December 21, 2022 @ 10:44 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Palalakasin ng Department of Tourism (DOT) ang internet connectivity sa mga nangungunang at umuusbong na tourist destinasyon sa Pilipinas.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na 94 na tourist destinations ang natukoy para sa internet connectivity enhancement kung saan nakikipag-ugnayan na siya kay Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy para sa kolaborasyon.

“As a general rule, the quality of internet in the Philippines can be improved still. Of course, we have our key destinations, like Cebu, Palawan, Boracay, Siargao and Bohol as well. We want to expand the quality of internet in lesser-known destinations also so that we can equalize tourism promotion and development,” ani Frasco.

Sa kanyang panig, sinabi ni Uy na inatasan na niya ang DICT na tingnan kung paano nila madaragdagan ang bandwidth at makapagbigay ng mas maaasahang network sa mga tourist spot.

Naniniwala si Uy na ang pagpapalakas ng internet sa mga tourist spot ay makakatulong din sa pag-akit ng mas maraming “digital nomads” habang ang bansa ay higit na nagpapagaan sa mga paghihigpit sa COVID-19.

“We want to push more, we mentioned the gig economy, getting the digital nomads. Now they can work first in their homes. But now that they have opened up, they can actually work from our mountain resorts, from our beaches and from everywhere,” aniya. RNT