Internet subsidy sa mahihirap na estudyante hirit ni Win

Internet subsidy sa mahihirap na estudyante hirit ni Win

December 9, 2021 @ 4:36 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian nitong Huwebes na maghahain siya ng panukala na magbibigay ng internet subsidy sa pinakamahihirap na mga estudyante sa bansa.

Ipinaliwanag ni Gatchalian sa ANC na ang blended learning umano ang magiging hinaharap ng edukasyon sa Pilipinas.

“Meaning, we will have both physical face-to-face classes and both internet-based learning. This is the future of learning that we should look at. We cannot just go purely face-to-face or purely internet, it has to be a combination,” pahayag ni Gatchalian, chairman ng Senate basic education committee.

Binanggit din niya na ang Pilipinas ay isang isang “vulnerable country” na madalas makaranas ng mga kalamidad kagaya ng pagputok ng bulkan at bagyo.

“We have to make sure in any event that learning will continue, the only way to do that is to use internet,” giit niya.

Sinabi rin ni Gatchalian na mayroon nang nakalaan na P20 bilyon sa Department of Education (DepEd) para sa pagbili ng gadgets sa ilalim ng information technology (IT) program.

Binigyang-diin din ni Gatchalian ang connectivity issues ng mga mag-aaral.

“We will now address the issues of the teachers, but we should also address the issues of the learners because some of them don’t have access to the internet because of the cost and we have to look into that and that is not in the budget yet,” sabi ng senador.

“I am going to file a bill to provide subsidy for very poor students to have access to the  internet…We have to make sure that they have access to internet and internet is becoming a basic necessity just like water and electricity,” patuloy pa niya.

Base kay Gatchalian, nangangailangan ito ng malaking budget, subalit hahanap umano sila ng paraan upang magkaroon ng pondo para sa naturang programa. RNT/SA