Internet tower sa IP areas, ipinatatayo ng senador sa DICT

Internet tower sa IP areas, ipinatatayo ng senador sa DICT

January 26, 2023 @ 1:39 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inatasan ni Senate President Pro-Tempore Loren Legarda ang Department of Information and Communication Technology (DICT) na magtayo ng internel tower sa Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA), Indigenous communities at upland areas upang mapalakas ang programa ng pamahalaan sa digitalization at internet connectivity sa bansa.

Sa kanyang pakikipagpulong kay DICT Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, Undersecretary Angelo Nuestro at Assistant Secretary Philip Varilla sa Senado, inilatag ni Legarda ang kanyang plano.

Tinukoy ni Legarda ang home province sa Antique na kung saan umabo sa 40% ng populasyon ang gumagamit ng Globe at Smart connectivity na naka-concentrate ang tower sites nito sa central areas.

Ipinanukala ni Legarda ang pagtatayo ng wi-fi site sa lalawigan kaya umabot sa 18 bayan sa Antique na sumasailalim sa digital advancements upang mapabilis ang serbisyo publiko.

Si Legarda ang principal author ng Republic Act No. 10844, ang batas na lumikha sa DICT.

“We are doing this in Antique, and we will do this in the different parts of the country with our strengthened partnership with the DICT because we want every community, including our indigenous communities, to be connected digitally so that they will not be left behind,” aniya. Ernie Reyes