‘Interoperable’ fare collection system target ng DOTR

‘Interoperable’ fare collection system target ng DOTR

December 23, 2022 @ 1:04 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Target ng Department of Transportation na bumuo ng isang interoperable fare collection system na magagamit sa halos lahat ng uri ng mga pampublikong transportasyon tulad ng isang ATM.

Ito ay kasunod ng impormasyon na ang kontrata ng ahensya sa Beep card supplier na AF Payments ay hanggang 2025 na lamang kung kaya’t ngayon ay inihahanda na nila kung ano ang mabuting gawin pagkatapos nito.

“Itong contract is only up to 2025. Right now we already working on what to do after, you will be hearing about this in 2023. We’re developing a national standard. This means we will eventually have an open and interoperable fare collection system,” sinabi ni DOTr Usec. Timothy John Batan sa panayam ng ANC.

“Pwede mo gamin kahit saan, parang ATM,” dagdag pa niya.

Matatandaan na ngayong taon din ay nakaranas ang DOTR ng shortage sa beep cards dahil sa kakulangan ng suplay ng chip sa mundo.

Sa kabila nito, sinabi ni Batan na naihatid na ang bagong batch ng mga card nang bahagyang bumuti ang kalagayan o geopolitical conditions ng mundo.

“We’re now catching up sa supply ng beep cards natin and we encourage our passengers and consumers, kahit meron nang fresh supply, to still protect their beep cards, sayang naman,” aniya. RNT/JGC