Interval ng Sinovac, AstraZeneca doses paiksiin – OCTA

Interval ng Sinovac, AstraZeneca doses paiksiin – OCTA

July 28, 2021 @ 2:42 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Hinikayat ng OCTA Research group ang gobyerno na paiksiin ang interval ng dalawang dose ng Sinovac Biotech at AstraZeneca COVID-19 vaccine upang mas marami ang mabakunahan at maproteksyunan laban sa mas nakahahawang Delta variant.

“We can fully vaccinate more people in the NCR in order to protect them from Delta. These are two recommendations: shorten the Sinovac two-dose interval into fourteen days… and for AstraZeneca, to shorten the two-dose interval to eight weeks,” saad ni Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA sa isang online media forum.

Sa kasalukuyan, apat na linggo ang interval ng dalawang dose ng Sinovac vaccine habang 12 linggo sa AstraZeneca.

Binanggit din ni Austriaco ang pag-aaral ng Turkey sa Sinovac vaccine kung saan 83.5 porsyento itong epektibo sa dalawang linggong interval ng dalawang dose nito.

“It shows that two doses is still effective, and we know that one dose of Sinovac is not as fully protective against any variant, let alone the Delta variant. So we would like to recommend to accelerate [the vaccination] and for the government to shorten the two dose interval to 14 days,” aniya.

Dagdag pa nito, gayundin ang pagiging epektibo ng AstraZeneca vaccine na may walong linggong interval.

Inirekomenda rin ng grupo ang “circuit-breaker” lockdown sa Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant. RNT/ELM


  •  
  •  
  •