Interview kay GMA sa crypto-currency tinanggi ni Boy

Interview kay GMA sa crypto-currency tinanggi ni Boy

March 5, 2023 @ 11:33 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Paglilinaw ni Boy Abunda na walang katotohanan ang lumabas na balita sa internet na in-interview niya si former President Gloria Macapagal Arroyo na humihikayat na mag-invest sa isang crypto-currency program.

Ang totoo ay tinawagan daw siya ni GMA para linawin din sa mga tao na wala itong katotohanan.

“Ang claim po doon sa news ay I interviewed the former president. This is not true. Ito ay isang panloloko,ā€ paglilinaw ni Kuya Boy.

“So, nu`ng tumawag sa akin ang former president who`s now a member of the House of Congress, sabi niya, `Boy, pakilinis na lang,'” say pa ni Kuya Boy.

Sabi pa niya, first time nasangkot ang pangalan niya sa isang crypto-currency. Easy money, `ika nga.

May balita pang natakot daw ang mga bangko at ayaw maglabas ng pera dahil diumano’y kumita si former president Arroyo ng malaking pera.

“HIndi po ito totoo. This is fake, this is not true, and I did not do an interview with the former president. ‘Yan po, and that is true talk,ā€ pagtatapos ni Kuya Boy. Gerry Ocampo