Interview ni Bantag ‘diversionary tactics’ lang – Mabasa

Interview ni Bantag ‘diversionary tactics’ lang – Mabasa

November 13, 2022 @ 10:37 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinawag ng pamilya ng napaslang na broadcaster na si Percy Lapid na diversionary tactics lamang ang ginawang interview ni suspended Bureau of Corrections chief Gerald Bantag.

“We appeal to the public to not be distracted by what might be diversionary tactics. Let’s focus on the proper investigation of the case. We demand that Mr. Bantag abide by the rule of law, follow the judicial process and present his side in the proper forum,” pahayag ni Roy Mabasa, tagapagsalita ng kabuuan ng pamilya Lapid nitong Biyernes, Nobyembre 11.

Matatandaan na lumitaw si Bantag sa iba’t ibang panayam sa media kung saan tinira pa niya si Justice Secretary Boying Remulla, at hinimok na magbitiw na sa pwesto dahil sa pakikialam umano niya sa kaso.

Hinamon din ni Mabasa si Bantag na kumbinsihin si deputy Jail Officer Ricardo Zulueta na harapin ang kaso.

Matatandaan na noong Lunes, Nobyembre 7 ay sinampahan na ng kaso sina Bantag at iba pang sangkot sa pagpatay kay Lapid at sa itinuturong middleman na si Jun Villamor sa New Bilibid Prison. RNT/JGC