Int’l flights sa Caticlan airport, hinarang

Int’l flights sa Caticlan airport, hinarang

December 15, 2022 @ 5:36 PM 2 months ago


AKLAN— Hinarang ng Aklan provincial board ang planong gawin international flight ang Caticlan airport na pinakamalapit sa world-class na isla ng Boracay dahil sa usaping pang-ekonomiya at pagsisikip.

May dalawang paliparan ang Aklan ito ay ang Kalibo International Airport (KIA) sa bayan ng Kalibo, at ang Godofredo P. Ramos Airport (GPRA) sa Caticlan na mas malapit sa isla ng Boracay para sa mga domestic flight.

Nakasaad sa Sangguniang Panlalawigan (provincial board) Resolution 2022-289 na walang basehan para pahintulutan ang mga international flight sa GPRA.

Ilan lamang sa mga negatibong epekto nito ay ang ekonomiya ng Aklan, partikular sa turismo, at negosyo.

Tulad na lamang sa posibleng pagtanggal ng mga hotel, serbisyo sa transportasyon, at mga restawran.

Mas lalo lamang din magsisikip sa mas maliit na paliparan, na tinatanggihan ang pangunahing pag-import ng kita upang pondohan ang proyekto sa pagpapaunlad sa KIA.

Dagdag pa rito ang makakadiskaril sa pagkamit ng pamahalaang panlalawigan ng pangmatagalang plano ng Aklan para sa holistic, balanse at inklusibong paglago ng lokal na ekonomiya nito sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga aktibidad sa ekonomiya at pag-unlad ng turismo sa loob ng mainland Aklan.

Base kasi sa talaan noong Nobyembre 30, 2022, nagtala ang GPRA ng 925,741 na pagdating ng pasahero kumpara sa KIA na may 239,824 domestic at 40,862 na international passenger arrivals lamang. Mary Anne Sapico